‘The best and the brightest’ pinulong sa isang hapunan
Nanalangin sa higanteng pulahan ang pagsabak sa labanan
Hinamak ng dilawan kanyang kapangahasa’t mala-palos na kalakaran
Sambayana’y sumamba bunga ng mapanlinlang na katotohanan
Metaporikang kalbaryo’y pangakong lulunasan
Anim na buwa’y sapat na, isa palang kapalaluan
Pinasan ng mga pobre ang bunga ng malupit na patakaran
Pinaikot sa realidad na likhang-isip ni Mocha’t mga kawatan
Sa kakarampot na panahon, pasakit ni Jua’y sukdulan na
Malaya na isang magnanakaw ngalan ay Gloria
Naka-abang pa si Janet at iba pa sa kanyang pagpapasiya
Kinitil ang moralidad mapalawig lamang ang agenda
Kalupitan ni Makoy ginawaran ng dalisay na pag-alala
Maging katanggap-tanggap ang paghahari ni Bongbong na tagapagmana.

Advertisements